Tila umikot ang silid sa palibot ni Jacina. Pakiramdam niya ay natutunaw siya sa yakap ng Konde at sumusuko sa sabik nitong mga labi.
Pinananabikan ni Jacina na muling makita si Hugo, ang Konde ng Ruven, pagkalipas ng sampung taon. Walong taon pa lamang siya ay nagkaroon na ng puwang sa kanyang puso ang noon ay binatang si Hugo. Ngunit sa pagbabalik ni Hugo sa Inglatera ay nakaamba ring masaktan nang labis ang puso ni Jacina.
Tanggap ni Jacina na bulag na ang Konde dahil sa pakikipagdigma nito sa India. Ang hindi niya matanggap ay nakalaan na ito sa iba. Nalalapit nang ikasal si Hugo kay Felice Delisle. Ngunit may kakaiba kay Felice na hindi nagugustuhan ni Jacina, lalo na sa kasama nitong si Fronard. At gagawin ni Jacina ang lahat upang pangalagaan ang Konde kahit ibuwis pa niya ang kanyang buhay.