“This is wrong. But I can’t resist you… I’m sorry, I can’t resist you.”
Bridgette was a rebel. Mabababa ang marka niya sa eskuwelahan kaya ikinuha siya ng tutor ng kanyang mga magulang, si Juan na ilang taon lang ang tanda sa kanya ngunit isang henyo. Mabilis na naging kaibigan niya ito sapagkat napaka-gentle at napakabait nito. He became her best friend, and she his.
Through the years their friendship grew deeper. Naging business partners sila, saksi ang isa’t isa sa mga kaganapan sa buhay nila. Juan got engaged, and she found a boyfriend her family loved. Akala niya ay walang magiging problema sa pagitan nila, akala niya ay magiging mag-best friend sila buong buhay nila, ngunit bigla ay nagkaroon ng tensiyon sa pagitan nila. Soon, they were French kissing each other. And then she realized she was in love with him. But was he in love with her, too? Ano ang gagawin niya?