“I think I love you. No. That didn’t come out right. Let me rephrase that—I know I’m in love with you.”
Inirereto si Sari ng kanyang ina kay Cesar Trillo, CEO ng isang malaking kompanya, abogado, bilyonaryo, at ubod ng guwapo—samantalang siya ay ordinaryong tao lang na may mababaw na kaligayahan. Gayunman ay inalok siya ni Cesar ng trabaho sa TV station na pag-aari ng pamilya nito. Sinunggaban niya ang pagkakataon sapagkat pangarap niyang maging isang batikang reporter.
Agad siyang na-promote at inakala ni Sari sa ilang sandali na bumilib ang binata sa husay niya. Hindi pala. Mayroon palang kapalit ang lahat ng iyon—ang makipag-date siya sa kapatid ni Cesar na bading. Nakipagkutsaba siya sa kapatid nito at nagpanggap si Sari na hindi niya alam na bading ang lalaki dahil sa kanyang labis na inis kay Cesar at sa pag-aray ng kanyang pride. Ang kaso, bakit kahit iniisip ni Cesar na may involvement siya romantically sa kapatid nito ay nagtatangka itong hagkan si Sari?