Dahil sa problema ni Inday sa nobyo niyang nasa ibang bansa ay nangailangan siya ng pagkakakitaan na malaki ang suweldo. Kailangang makauwi ang nobyo niya na minaltrato ng amo nito at hindi pinapasuweldo nang tama.
Eksakto ang alok sa kanya ni Mang Alfon—ang pasayahin ang anak nitong si Malvar sa abot ng makakaya ni Inday, sapagkat ang anak nito ay sawi sa pag-ibig. In short, kailangan niyang maging clown ni Malvar. Ang hirap. Dahil si Malvar ay isang napakaguwapong taong-bato na parang kaysarap pagnasaan…