Celia was a rebel. Sa maagang edad ay nakabuo siya ng desisyon na hindi niya hahayaan ang kanyang ama na hawakan ang buhay niya. They came from a Chinese family and arranged marriages were not uncommon. Ayaw niyang sumunod sa tradisyon ng pamilya nila na inaareglo ang bawat kasal.
Ngunit dumating ang puntong kailangan niyang mamili, at nagpasya si Celia na pakasalan si Porter Chua kapalit ng kalusugan ng kanyang ina.
She decided never to fall for him. Pero hindi iyon ang nangyari. Dahil sa maikling panahon ay nahulog na ang loob niya kay Porter. And she thought it was all right, it was perfect actually—finding the one the way she did.
But was Porter really the one? Paano kung dumating uli sa buhay ni Celia ang lalaking pilit na inalis sa buhay niya ng kanyang ama?