“The reason why I went to church? I asked God to give you to me. I begged Him… Not because I need you like a Band-Aid, but because I want to take care of you forever, if you’d let me.”
Matalik na kaibigan ni Herminia si Elvis kahit magkaibang-magkaiba ang estado nila sa buhay. Hindi naging hadlang iyon kahit mayroong hindi pagkakaunawaan ang kanilang mga pamilya. Parati siyang naroon para sa kaibigang lalaki at ganoon din ito sa kanya.
Ang hindi alam ni Elvis ay lihim siyang umiibig dito. Handa siyang gawin ang lahat para sa binata, kahit iba ang babaeng napupusuan nito…
Ngunit hindi sinasadyang nagsalo sila sa isang halik.
Ano ang magiging reaksiyon ni Elvis?