“Hindi ko alam na seloso ako kung hindi dahil sa `yo. I want you all to myself. Madamot ako at seloso. Akin ka lang.”
Pancho had always treated women as his toys. And he thought Ramona was no different. Nang magsawa na siya kay Ramona dahil nagiging clingy na ito ay idinispatsa na niya ang babae. Ang akala niya ay doon na magtatapos ang lahat sa kanila. Subalit isang malaking pagkakamali iyon.
He saw her again and she flirted with him. Hantarang sinabi ng dalaga na gusto nitong muling may mangyari sa kanila—no strings attached. He was game.
Ang gabi pala ng ligaya na pangako ni Ramona ay plano nitong gawing gabi ng lagim sa buhay ni Pancho! And he ended up with the worst thing that could ever happen to a man. And the worst thing that could happen to a surgeon like him.
Hinanap niya si Ramona subalit bigla na lamang itong naglahong parang bula. Until one day, a little birdie dropped by and told him where she was.
An eye for an eye. Oh, he was out for blood.