Ano naman ang gusto mo? Ipangalandakan natin sa mundo ang ginawa natin? sabi ni Inocencia kay Tibbs pagkatapos na may mangyari sa kanila.
Ikinahihiya mo ba ako? Nagsalubong ang mga kilay ng lalaki na tila hindi nito alam kung magagalit o maguguluhan ito.
Nainis si Ino dahil gusto niyang i-assure ito na hindi niya ikinahihiya ito. She inwardly shook herself. Hello? Youre not my boyfriend. Hindi dahil may nangyari sa atin ay may relasyon na tayo, Tiburcio. Hindi bat diversion lang ito?
Nagtiim ang mga bagang nito.