“I’ve been dreaming of this day when I could freely tell you how much you mean to me.”
Constant fixture na sa buhay ni Elvee si Chad—ang guwapo, protective, at laging dependable na kapatid ng best friend niya. Kababata niya ito at halos magkakasabay silang lumaki. Para nang magkapatid ang pagpapahalaga at pag-aalaga nila sa bawat isa. At nang mawala sa kanya ang isang mahalagang miyembro ng pamilya, naging extra attentive pa sa kanya ang binata.
But something happened one fateful night—they shared a kiss. Hindi inasahan ni Elvee na ganoon katindi ang epekto sa kanya ng halik na iyon. Parang biglang nagulo ang buong sistema niya. Ang kaso, naging asiwa naman sila sa isa’t isa pagkatapos niyon.
Pero desidido si Elvee na alamin ang ibig sabihin dito ng halik na iyon. Dahil siya, hindi na niya itatanggi ang damdaming ginising ni Chad sa kanyang puso.