“Alam ko, seloso ako. Pero kasalanan mo iyon dahil masyado kang maganda.”
Tila nawawalan na ng gana sa buhay si Avisse. Sa kabila ng pagkakapasa pa lang niya sa Bar exam at matutupad na ang pangarap na maging isang abogado ay tila may hinahanap-hanap pa rin siya. Parang may kulang pa rin sa kanya. Her friend suggested stranger therapy. Stranger what? Dapat daw ay makipag-usap siya sa isang taong hindi niya kilala at sabihin ang mga hinaing niya sa buhay, nang sa gayon ay gumaan ang kanyang pakiramdam.
Avisse thought it was a ridiculous idea. Pero natagpuan niya ang sariling nagpapahanap ng textmate sa pinsan.
Sa umpisa ay hindi niya nagustuhan ang pakikipag-text sa kanyang “stranger therapist” na mukhang mas malala pa ang sitwasyon kaysa sa kanya. Pero nang lumaon ay napapalagay na rito ang kanyang loob.
Until she discovered something about her stranger therapist. Kilala pala niya ito, isang lalaki sa kanyang nakaraan na unang nagpalasap sa kanya kung paano umibig, at siya ring unang nagwasak sa kanyang puso…