"Hindi ko alam kung kailan o kung papaano, basta nalaman ko lang na wala akong gustong mahalin kundi ikaw lang..."
Frederick and Roselle, they were close friends. Kahit na mas madalas ay sa pag-aasaran lang nauuwi ang pag-uusap nila, in the end ay alam nilang sa bawat isa ay may maaasahan sa gitna ng kagipitan.
Tinanggap ni Roselle ang pakiusap ni Frederick na magpanggap na misis nito para lang maiwasan ang isang babae. While pretending, bakit enjoy na enjoy ang guwapong binata sa mga panakaw na halik sa kanya?
At bakit nang matatapos na ang pagpapanggap ay may kakaibang takot na sumapuso ni Roselle?
Could it be they were falling for each other?
At iyon ang hindi pinaghandaan ni Roselle...