Inaamin naman ni Rizly na isa siyang oportunista— oportunistang saksakan ng ganda.
Nang takbuhan ng pinsan niyang si Staergen ang lalaking mahal nito, hindi inaasahang makikilala niya si Luigi—guwapo, matangkad, at higit sa lahat, may magarang kotse. Pinipilit siya ni Luigi na sabihin ang kinaroroonan ng pinsan niya dahil gusto raw nitong tulungan ang kaibigan nito na nagkataong siyang tinakbuhan ng magaling na si Staergen.
Ayaw sanang maging traidor ni Rizly, pero pinangakuan siya ni Luigi na bibigyan ng magandang trabaho. Eh, nagkataon namang kare-resign lang niya. At dahil isa siyang dakilang oportunista, pumayag siya sa gusto ng binata dahil sa bonggang mapapakinabangan niya. Bahala na kung magalit si Staergen sa kanya.
May iba pa kasi siyang agenda—iyon ay ang pa-in love-in si Luigi. Pero mukhang na-karma si Rizly. Habang nakakasama kasi niya nang matagal ang binata, siya ang tuluyang na-in love dito.
Ano ba itong gulong pinasok niya?