“I will do anything to make you fall in love with me. Kung kinakailangang puntahan kita sa mundo mo, gagawin ko. Mahalin mo lang din ako.”
Matagal nang ipinangako ni Abby sa kanyang sarili na hinding-hindi siya iibig dahil ayaw niyang matulad siya sa kanyang ina na nasira ang buhay dahil lang sa labis na pagmamahal sa isang lalaki. Until she met Gino Montenegro, ang lalaking saksakan ng guwapo at ubod ng yaman na hindi sinasadyang nakasagasa sa kanyang ina.
Sa unang pagkikita pa lang nila ng binata ay aminado siyang malakas na ang atraksiyon na naramdaman niya para dito. Pero pilit niyang iwinaksi iyon sa kanyang sistema. Hanggang sa lumipas ang ilang buwan at muli silang pagtagpuin ng tadhana. And this time, she allowed him to enter her world. They became friends. Pero mukhang lalo siyang nalagay sa alanganin dahil sa kanyang ginawa. Niligawan siya nito at sinabing hindi siya pagtataksilan, iiwan nito, at ipagpapalit sa ibang babae gaya ng ginawa ng kanyang ama. Sa huli ay umamin din siya sa kanyang nararamdaman.
Pero nagkamali siya dahil hindi ito tumapad sa pangako nito. Sinasabi na nga ba niya, hindi na dapat siya umibig pa. Nasaktan tuloy siya…