“Pwede mong sabihing sumusuko ang isip mo na mahalin ako pero kahit kailan, hindi ako naniniwalang tumigil ang puso mong hintayin ako.”
Nalagay sa alanganin ang grades ni Jaiden kaya kailangan niyang gumawa ng paraan. Binigyan siya ng special project ng kanyang guro at iyon ay ang interview-hin ang “everybody’s girl” na si Margaux. He hated her Miley Cyrus-ish guts. Hindi maganda ang reputasyon ni Margaux sa eskuwelahan dahil sa mga hindi rin kagandahang activities nito. Ngunit ito lang ang tanging paraan upang makapasa si Jaiden kaya nakipaglapit siya rito. Ngunit maraming nagbago nang mapalapit siya sa dalaga. Bigla niyang napatunayan na mali ang lahat ng masasamang bagay na ipinatutungkol kay Margaux.
Babaguhin din ba ng totoong pagkatao ni Margaux ang damdamin ni Jaiden?