“You still got that smile that melted my heart. You still got that charm that broke my heart.”
Dahil sa kagagawan ng dakilang matchmaker at lukaret na kaibigan ni Ciantie ay napilitan siyang pumayag na sumama sa summer camp kung saan makakasama niya ang dating manliligaw na si Arvan. Aminado siyang may pagtingin pa rin siya sa binata. Kung hindi lang sa di-maiwasang pangyayari noon ay baka sinagot na niya ito. Kaya nang malaman niyang may fiancée na ito at may planong magpakasal sa December ay bumuo siya ng plano.
Una, magpa-cute sa unang lokasyon ng summer camp nila. Pangalawa, i-seduce ang binata sa pangalawang location ng summer camp. Sa unang plano, hindi siya nahirapang magpa-cute dahil ayon sa binata ay na-cute-an ito sa pagpapa-cute niya. Ito pa nga ang kusang lumapit at nagpa-cute sa kanya. Sa pangalawang plano, hindi lang niya na-seduce si Arvan, willing pa itong magpa-seduce.
Pero mali pa yata ang plano niyang i-seduce ito dahil siya na yata ang bibigay…