“Pinilit kong alalahanin ang lahat ng sakit na naranasan ko para kamuhian kita. But the fact still remains that I really do love you still.”
Aramon was the only man Christina had ever truly loved. Ngunit dahil langit at lupa ang agwat ng kanilang pamumuhay ay hindi pabor dito ang kanyang ama na istriktong Chinese. Sa huli, mas pinili niyang maging masunuring anak at nilayuan niya ang binata.
Ngunit tila pinaglaruan sila ng tadhana.
Pagkalipas ng ilang taon ay pinagtagpo uli sila—ito ang boss niya at siya ang butihing assistant nito. Mataas na ang katayuan nito sa lipunan. Lalong gumuwapo at kumisig ito. Indeed, many things had changed.
Kasama kaya sa pagbabagong iyon ang damdamin nito para sa kanya? Maniwala kaya ito sa kanya kung sasabihin niya rito na sa kanya ay walang nagbago; na hanggang ngayon ay ito pa rin ang nilalaman ng kanyang puso?