“You have got to stop running away from me, Andi. I might not be able to catch you the next time.
Or worse, I won’t be there at all.”
Nagka-crush si Andi sa binatilyong si Christian noong una pa lang niya itong nakita. Pero may kaunting problema. Christian was gay. Alam niyang parte lang iyon ng pinagdadaanan nitong stage ng identity crisis. But when someone courted her, nagalit si Christian. Hanggang sa umalis ito ng bansa nang hindi man lang nagpapaalam sa kanya.
Years passed, muling bumalik sa buhay ni Andi si Christian. Nagtaka pa siya nang maramdamang ang fascination niya rito noon ay naroon pa rin sa kanyang puso. And it had gotten worse dahil tuwing makikita niya ang binata ay bumibilis ang tibok ng kanyang puso. Mukhang natuluyan na siyang ma-in love dito. Kaya lang, kagaya pa rin noon ang problema kay Christian.
He was still gay.
Paano kaya niya ito gagawing lalaki?
Hmmm…