“Totoo talaga na hindi masunurin ang puso. Kahit kasi anong utos ko na tigilan na ang pagmamahal sa `yo, ayaw pa rin niyang makinig…”
Mortal enemy number one. Iyon ang turing ni Lindsay kay Andrei. Anak ito ng dating bodyguard ng papa niya. Napatay sa pagtatanggol sa ama niya ang bodyguard at mula noon ay itinuring na ng papa niya na parang anak si Andrei. Naiinis dito si Lindsay dahil may mga punto sa buhay niya na pakiramdam niya, kung puwede lang ay ipagpapalit na siya rito ng papa niya.
She hated Andrei’s guts until there came a time when he saved her life. Nakasama rin niya ito nang matagal sa isang liblib na lugar para sa kanyang kaligtasan. Noon unti-unting nabuksan ang mga mata niya sa katotohanang isa nga pala itong katakam-takam na lalaki, hanggang sa madiskubre na lang niya na mahal na niya ito. Iyon nga lang, noon din dumating ang malaking komplikasyon sa buhay nila at napilitan siyang tanggapin na may mga bagay na mas matimbang sa lalaki kaysa sa kanya.