“Kung hindi kita mahal, sa palagay mo iiyak ako nang ganito?”
Kung kaya lang ni Marissa, matagal na niyang nilayasan ang pamilya niya na walang ibang ginawa kundi ipapasan sa kanya ang mundo. Pero dahil hindi naman talaga niya kayang tiisin ang mga ito, humiling na lang siya ng sandaling katahimikan sa buhay niya na mabilis na ipinagkaloob sa kanya. Naaksidente siya.
Nagpanggap siya na may amnesia na mabilis na kinagat ni Clay, ang lalaking nagkaloob ng panalangin niya. Sa sobra yatang pagka-guilty ng binata, nag-offer pa ito sa pamilya niya na doon na lang siya magpagaling sa bahay nito. Sandaling katahimikan lang ang habol ni Marissa sa pamamalagi sa poder ni Clay pero may iba pa siyang natagpuan doon. Naging crush niya ito at sa kalaunan ay parang mas lumalalim pa ang damdamin na iyon. Noon na siya natuliro. Bukod sa alangan siya sa binata, hindi niya alam kung ano ang gagawin nito kung sakaling malaman nito ang ginawa niyang pagpapanggap.
Hanggang sa tadhana na ang gumawa ng paraan…