Unang pag-ibig ni Bovet si Rosita. Ngunit may asawa na ito—si Franco—na nagkataong kaibigan pa ng kanyang pamilya. Kaya naman nagkasya na lamang siya sa pagiging matalik na kaibigan nito.
Sinubaybayan niya si Rosita, gayundin ang paglaki ng pamilya nito. Nagkaanak ito at si Franco—si Francia. Naging malapit ang loob ng bata sa kanya. Kalaro, kuya, at ama ang ilan sa mga papel na ginampanan niya sa buhay nito. Kaya naman sinikil niya ang sariling damdamin nang magdalaga ito at makaramdam siya ng kakaiba rito. Nakakahiya dahil masyadong malayo ang agwat ng kanilang mga edad. Bukod doon, hindi siya sigurado kung mahal nga talaga siya nito gaya ng sinasabi nito. Napakabata pa kasi nito.
Iniwasan niya ito. Ngunit determinado itong ipaglaban ang kanilang pag-ibig...