Kaya kong ipagpalit lahat para sa iyo, para sa pag-ibig mo...
Career muna bago love. Iyon ang panuntunan ni Audrey na alam niyang iniintindi ni Vincent. Mahal niya ito, ngunit mahal din niya ang career bilang modelo. Nakasisilaw ang oportunidad na makilala maging sa Europa. Nakalalasing ang admirasyon ng mga tao, ang glitter at kulay ng daigdig ng international fashion.
She was beautiful and she knew it.
Kaya iniwan niya ang lalaki alang-alang sa katanyagan.
Pero pinananabikan pa rin niya ang yakap at halik nito. Kinauuhawan ang uri ng pagmamahal nito. Kaya bumalik siya ng Pilipinas upang muling matikman ang pag-ibig nito.
Subalit iba na ang bagay-bagay sa pagbabalik niya. May Sheb nang nakapagitan sa kanila. And this time, kailangan na niyang lumaban para mabawi ang pag-ibig ng guwapong binata.