“Parang imposible na mahal mo ako. Pero sa lahat ng imposible, ito ang pinakagusto ko.”
Unang kita pa lang ni Kim sa binatang si Gianni ay nakuha na agad nito ang interes niya. Ilang beses na niyang gustong ngitian, kausapin, o batiin man lang ito. Pero mukhang suplado ito kaya hindi natutuloy ang mga balak niya.
Pero meant to be yata sila dahil nagkataong naging magkaklase sila at magkatabi pa ang mga upuan nila. Nagkaroon siya ng pagkakataong makilala ito sa pamamagitan ng palihim na pagmamasid dito. Marami siyang nakikitang magandang katangian ni Gianni. Pero napakatahimik nito. One sentence a day lang ang quota nito sa pagsasalita. Kaya laking gulat niya nang isang araw ay tanungin siya nito kung puwedeng manligaw ito sa kanya.
Napakurap siya nang ilang beses habang nakatingin sa mukha nito.
Tama ba ang narinig niya? Ang isnaberong seatmate niya, gustong manligaw sa kanya?
Bigla yatang natutong pumalakpak ang puso niya.