“Gusto kong sabihin sa `yo na mahal kita. Na hindi ako tumigil na mahalin ka, na dahil sa `yo ay hindi ako nakapagmamahal ng iba.”
Katatapos lang makansela ang kasal ni Bella ay may dumating na namang pagsubok sa buhay niya—sa katauhan ni Damon Costales, ang high school sweetheart niya na minahal niya nang sobra noon ngunit iniwan lang siya.
Tulad niya ay malaki na rin ang ipinagbago nito. Lalo itong gumuwapo at lalong naging mapanganib sa puso niya. Pero hindi na ito ang tamang lalaki para sa kanya.
Ngunit sa kasamaang-palad ay magkakasama uli sila ni Damon upang hanapin ang lolo niya at lola nito na mukhang nagtanan pa yata. Isang pagsasama iyon na mag-uugnay uli sa mga puso nila.