“I will make you so happy you can hardly stand it.”
Smitten agad si Salvi unang beses pa lamang niyang nakita ang mahinhin na si Tilly. Ngunit nang ipaalam niya rito ang plano niyang panliligaw ay binasted agad siya dahil bukod daw sa strict ang daddy nito ay hindi rin nito gusto ang pagiging isang rocker niya.
Pagkatapos ay natuklasan ni Salvi na sa gabi ay nagbabago si Tilly ng anyo at pagkatao. Nagiging si “Maude” ito—a party girl. She was so wild and she said she found him absolutely hot that she agreed to make him her one hundred and first boyfriend.
She was clearly a nut case. Pero mas pipiliin pa ni Salvi na masiraan ng ulo sa pag-aanalisa sa dalawang personality ni Tilly kaysa bitiwan ito.