“How to Tame the Wicked Witch? Rule number one: love her. So let me love you.”
Rean Sabordo was definitely the queen of mischief dahil maingat na pinagpaplanuhan niya ang bawat detalye ng ginagawang kapilyahan. At si Evan ang unang nakatikim ng kanyang pamosong ‘Tsansing technique number one.’
She couldn’t blame herself for doing so. Evan was hot! Kaya bigla siyang nagdesisyon na gagawin ang lahat mahulog lang ang loob sa kanya ng lalaki. Gumawa siya ng sariling talaan; she will make Evan fall in love with her in thirty days! Tinawag niya ang kanyang sekretong operasyon na ‘Oplan: Get Evan’ and she set all her rules. She will do it in a subtle and devilishly innocent way.
Kumbinsido na siyang unti-unti nang nahuhulog sa kanyang kamay si Evan kaya nakikita na niya ang kanyang tagumpay. But it seemed that her research went wrong. Taken na pala ang lalaki! Ano ang gagawin ni Rean ngayong pakiramdam niya ay mahal na niya ito?