“Kapag mahal mo ang isang tao, madali na lang ang maghintay, kahit gaano pa katagal. Kasi kahit ano’ng gawin mo, alam mong hindi ka na magmamahal pa ng iba maliban sa kanya.”
Kung may tataas pa sa Eiffel Tower, iyon ay ang pride ni Kat. Pero gumuho sa isang iglap ang iniingatan niyang pride nang makilala niya si Caleb, ang genius sa university na pinapasukan niya. Ito lang ang kaisa-isang lalaking hindi nagkakandarapa sa kanyang angking kariktan.
“You aren’t pretty at all,” tahasang sabi ni Caleb sa kanya.
Umusok ang ilong niya. “Before this month ends, you will fall in love with me,” sumpa ni Kat sa binata.
Pulido na sana ang plano niya kung hindi lang ito ngumiti sa kanya. At ang pride niyang niyurakan ay tuluyan nang nadurog. Nagkabaliktad ang kanilang sitwasyon. Mukhang si Kat na ang magmamakaawa sa pagmamahal ni Caleb.
Pero paano niya gagawin iyon kung ganoong pumoporma pa lang si Kat ay itinataboy na siya ni Caleb?