Hindi alam ni Princess kung bakit napakabait sa kanya ni Henry, ampon ni Harold Sanrico na isang kilalang businessman. Mula nang makilala niya ang binata, halos lahat ng pangangailangan niya ay ibinigay nito. Itinuring siyang parang prinsesa. Dahil doon, hindi niya naiwasan na mahulog ang loob sa binata. At ganoon din ito sa kanya.
Pakiramdam ni Princess ay para siyang nasa alapaap dahil sa kilig na nararamdaman tuwing magkasama sila ni Henry. Pero panandalian lang pala ang kaligayahang iyon. Dahil naaksidente si Henry. At sa pangyayaring iyon ay may natuklasan siyang isang napakalaking lihim para pagdudahan ang pag-ibig ni Henry…