“May isang pinto na kahit hindi ka kumatok ay puwede kang pumasok—ang pinto ng puso ko.”
Unang kita pa lang ni Jacqui kay Pierre ay kaagad siyang humanga rito. Pero ang paghangang iyon ay dagling naglaho nang malaman niya kung gaano kababaero ang lalaki. Nanliligaw na si Pierre sa kaibigan niya ay nahuli pa niyang may kasamang isang hubo’t hubad na babae sa kama nito. At ang mas masahol, si Jacqui naman ang pinupuntirya pagkatapos siyang halikan nito.
She did everything to resist him. Ayaw na ayaw niyang mabiktima ng pagkababaero ng binata. But how could she fight the irresistible charm of Pierre Laurent when all this time, the sweetest magic of his kiss disturbs her mind and softens her heart?