“There can be nobody else good enough to hold a candle against you in my life. I will be forever yours.”
May mga nakikita akong pangitain. Isang nawawalang kaharian, isang babae at anak niya, at ang padre-de-pamilya na tagapagmana sa kahariang iyon.
Hindi ko iyon na-resist. I embarked on a journey to find the vampire king stripped of his kingdom. And when I found him, lalong hindi ko na-resist na ma-in love sa kanya.
Ako si Luca, isang orakulo. Nakikita ko ang mga bagay mula sa nakaraan at sa kasalukuyan, hanggang sa hinaharap.
Ngunit hindi ko makita ang kinabukasan ng aking pag-ibig sa hari ng mga bampira na hanggang ngayon ay tila nagluluksa pa rin sa yumao niyang asawa. Alam kong iisa lang ang Bride para sa kanila.
At mukhang huli na ako sa role na iyon.