“Pakisabi sa boyfriend mo kapag nakita kong pinaiyak ka niya, hinding-hindi ako magdadalawang-isip na agawin ka sa kanya…”
Tahimik ang buhay ni Liz sa piling ni Julian. She thought she was happy with him and they had a perfect relationship. Ideal boyfriend ang tingin ng nakararami lay Julian dahil bukod sa guwapo, saksakan pa ito ng yaman. Iyon nga lang, madalas ay wala itong time para sa kanya. Pero okay lang iyon. Tanggap naman ni Liz na first priority ni Julian ang kompanya nito.
Nagbago ang lahat nang biglang dumating sa buhay ni Liz si Darius. He ignited a passion in her that she never knew existed. May kakayahan si Darius na pasayahin at pangitiin ang kanyang puso nang higit pa sa nagagawa ni Julian. Alam niyang mali na mahulog ang loob niya sa binata at lalong hinding-hindi siya puwedeng umibig dito dahil nakatali na ang kanyang puso sa iba. Pero bakit kabaligtaran ang sinasabi ng damdamin ni Liz?