“Mahal na mahal kita, at kahit hindi ka pa nagtatanong, sinasagot na kita. Boyfriend na kita.”
Kahit kailan ay hindi pa nagkakanobyo si Jem. Maganda naman siya, matalino. Sadya lang wala siyang panahon sa mga lalaki. Kontento na siya sa pagiging single. Hanggang sa makilala niya si Thunder. Tulad ng pangalan ng lalaki, kasintindi ng kidlat ang dating nito sa kanya.
Nang isama ni Jem ang binata sa Party of Destiny, doon niya na-confirm: she was in love with him.
Si Thunder naman ay hindi itinago sa kanya ang hangarin na ligawan at mapaibig siya.
Pero ano ang ibig sabihin ng nakita ni Jem na eksena na may kahalikang babae si Thunder?