“This is the hardest good-bye I have to endure, maybe because I have never loved so much as I have loved like this.”
Tinalikuran na ni Jarah ang pag-awit mula nang mangyari ang isang trahedya sa buhay niya. Sa kabila ng kanyang katanyagan noon bilang isang singer, mas pinili niya ang mamuhay nang tahimik at payapa bilang isang social worker.
Muling nagulo ang tahimik na buhay ni Jarah nang dumating si Banjo sa buhay niya. Kapalit ng donasyon nito sa bahay-ampunan ay hiniling nito na maging guest performer siya sa concert nito. “Just one song...” Iyon ang sabi nito sa kanya at maaari na siyang bumalik sa payapa niyang buhay.
Nabuhay ang dating sigla ni Jarah sa pag-awit ngunit ayaw na niyang balikan ang mundong iyon. Kasabay niyon ay ang matinding atraksiyon niya kay Banjo. Ngunit ayaw siyang iwan ng kanyang kahapon na pilit niyang tinatakasan. Para makabalik sa dating tahimik at payapa niyang buhay ay kailangan niyang i-give up si Banjo. Halos madurog ang puso niya sa pasyang iyon.