“Love doesn’t just give the great feeling of being hugged and kissed. It takes a whole lot of effort to be willing to sacrifice anything for someone without regret.”
Isang ordinaryong babae lang si Euly kaya simple rin ang kanyang buhay. Walang bisyo. Walang lalaki. Walang nightlife. No complications at all. Hanggang ipadala siya ng boss niya sa isang kilalang resort sa Davao para sa isang business venture. Ngunit tila may sa-enkanto yata ang lugar na iyon dahil biglang nabago ang pananaw niya sa buhay.
One night, she found herself drunk inside a bar. At nakasagutan pa niya ang katrabaho niyang nagdala sa kanya roon. Dahil sa sama ng loob, napunta siya sa dalampasigan. There she met Carlisle Rameses—the most handsome guy she had ever met. Nilapitan niya ito at bigla na lang hinalikan. Nagising na lang siyang sweet ito sa kanya at agad na nahulog ang loob niya rito.
Ang problema, sa bilis ng mga pangyayari at sa biglang pagbabago ng takbo ng buhay niya, tila nakalimutan ni Euly na kilalanin muna ang pagkatao nito. Sana pala ay nalaman niya agad ang itinatago nitong lihim sa nakaraan.