“I love you. And no, I’m not saying this out of pressure or whatever reason. Sinasabi ko `to dahil ito ang matagal nang totoo. Mahal na mahal kita.”
Bilang executive assistant at kaibigan ni Franklin, importante kay Sheryl na palaging siguruhing maayos ang lahat para sa binata. Kaya nang bigla na lang dumating ang ex-girlfriend nitong si Isabella ay agad niyang tinutulan ang pagbabalikan ng dalawa. Dahil minsan nang ginulo ni Isabella ang mundo ni Franklin at concerned siya na baka maulit iyon.
Pero nakipagbalikan si Franklin kay Isabella. Nagdamdam si Sheryl at naguluhan. Bakit parang hindi lang siya basta concerned sa binata? Nasasaktan siya. At sa nararamdamang iyon ay napagtanto niyang mahal na niya ang binata. Pero hindi niya puwedeng sabihin iyon dahil may girlfriend na uli ito.
Hanggang isang gabi, si Franklin mismo ang umamin sa kanya na mahal siya nito. Hindi niya alam kung maniniwala ba o hindi, dahil lumalabas na pinagsasabay sila ni Isabella.