Self-proclaimed man-hater si Bianchi. Bakit? Dahil wala namang idinudulot na maganda sa buhay ng mga babae ang mga lalaki! Mga paasa lang sila! Mga manloloko! Mga manggagamit!
Bakit pa ba siya maniniwala sa mga lalaki kung buong buhay niya, namulat siya sa pagloloko ng isang lalaki. Hindi nga ba't kaya wala siyang kinagisnang ama ay dahil iniwan lang nito ang kanyang ina?
At siyempre, may sariling pinaghuhugutan din si Bianchi dahil minsan na rin siyang naloko ng isang lalaki. Ang ubod ng walanghiya, antipatiko, presko, at guwapong si Taylor! Oo, inaamin niya, guwapo si Taylor. Eh, ano naman? Manloloko naman ito! Iniwan na lang siya basta, pagkatapos ng lahat ng nangyari sa kanila. Kaya hinding-hindi na siya maniniwala sa kahit kaninong lalaki!
Kaya lang, pagkalipas ng limang taon, bumalik si Taylor sa buhay niya. Ito pa rin ang dating ubod ng walanghiya, antipatiko, presko, at oo, ubod ng guwapong si Taylor. Panay ang pa-cute ni Taylor sa kanya. Duh! As if naman magpapaapekto siya. Not in this lifetime. Lalo pa't ang puso niyang traidor ay tumitibok pa rin sa binata kahit na anong kaila ang gawin niya. But never will she ever admit it to him. Baka masaktan lang uli siya.
Iyon nga lang, hindi pa man nalalaman ni Taylor na mahal pa rin ito ni Bianchi, nasaktan na agad siya. Paano, ang sabi ni Taylor, ibalik na lang daw nila ang dati nilang samahan.
' Yong samahan kung kailan naging mabuti silang magkaibigan.
Ouch!