Ginawa ni Princess ang lahat para maging proud sa kanya ang mga magulang na mula yata nang isilang siya ay malamig na ang pakikitungo sa kanya. Pinagbuti niya ang pag-aaral para maging top one sa klase. Pero kahit anong pagsisikap niya sa pag-aaral, hindi niya matalo sa top spot si Wayne Jansen. Pakiramdam niya, ang binata ang sagabal para makuha niya ang pagmamahal ng mga magulang kaya nagtanim siya ng galit dito.
Gayunman, maging si Princess ay nagulat nang mapapayag siya ni Wayne na magpanggap bilang girlfriend nito. Iyon ay para patunayan naman ng binata sa sariling mga magulang na capable itong magka-girlfriend at hindi lang pulos libro at pag-aaral ang inaatupag.
The charade gave them the opportunity to be with each other always. Nakilala nila ang isa’t isa. Pero paano na ang hangarin ni Princess na matalo si Wayne kung nararamdaman niyang parang nalulusaw na ang galit niya rito?