“Nagsinungaling ako nang sabihin kong nakalimot ako. I kept you in my heart. I love you, then and now. I’ll love you for always.”
Muling nakita ni Zhang ang kababata niyang si Prince nang magbakasyon siya sa probinsiya. Malaki na ang ipinagbago nito. Ang dating payatot na may makapal na salamin sa mga mata ay isang napakakisig na lalaki na ngayon.
Hindi maintindihan ni Zhang kung bakit bumibilis nang husto ang tibok ng kanyang puso tuwing nasisilayan ang lalaki ng kanyang mga mata at tuwing napapalapit sila sa isa’t isa. Hindi siya nakaramdam ng mga kakaibang damdamin kay Prince noon. He was a dear friend. Ito ang nakaramay niya noon sa lahat ng kanyang paghihirap. Pinapahid nito ang kanyang mga luha tuwing siya ay umiiyak.
Masaya siya na makasama uli ito. Nagkalapit uli sila. She fell in love with him. Espesyal din ang turing ni Prince kaya hindi napigilan ng kanyang puso na umasa. Ang akala ni Zhang ay ito na ang lalaking makakasama niya habang-buhay. Ang akala niya ay hindi nito gagawing komplikado ang kanyang buhay. Ang akala niya ay mahal din siya ni Prince.
Nagkamali si Zhang...