Perfect na sana ang one-in-a-million hero ni Katrina na si Nicholas Cáel. He had lived the title to the hilt. Wala sa kalingkingan nito ang K-pop idols niyang sina Kim Joon at Lee Min Ho. In fact, kapag kasama niya si Nick ay naglalaho sa kanyang memory ang mga idolong singkit. At matitiis na rin ni Katrina kahit may mga babaeng gaya niya ay nag-aambisyon din kay Nick. Kaya niyang makipagsabayan at manalo sa mga ito.
Pero gaya ng Greek mythology hero na si Achilles, may achilles’ heel din pala si Nick. Kung tatapangan ni Katrina ang kanyang sikmura ay tatanggapin na lang niya ang kahinaan ni Nick. Ngunit kung prinsipyo at paninindigan ang kanyang uunahin, sa ngalan ng pusong ayaw na niyang madagdagan ang sugat, she should have the sense to run away.
But how will she run away from somebody she wanted to run to?