Sa simula pa lang ay naantipatikuhan na si Patricia kay Dr. Chester Janus Yap. Ngunit nang kinailangan niyang maoperahan, dito siya dinala ng kanyang mga magulang.
Naranasan ni Patricia ang katakot-takot na konsumisyon sa binatang doktor. Ang nakapagtataka, kahit plano ni Patricia na salungatin ang lahat ng sabihin ni Janus, siya ang napapasunod nito.
Kahit hindi nakakarinig ng matatamis na salita rito si Patricia ay malaki ang naitulong ni Janus sa kanya bukod sa matagumpay niyang operasyon.
Patricia was moved by the simplicity of Janus’ words. She was touched by the sincerity of his dark eyes. Nakapagpapalambot ito ng tuhod kung tumingin.
Pati ang sugat sa puso ni Patricia ay si Janus ang nagpagaling. Dahil yata iyon sa nagpapatoreteng ngiti ng binata, at ng magic sa halik nito...