“Ang pag-iwas ay bahagi ng pagmu-move on. Kung hanggang ngayon ay gusto mo pa rin siyang iwasan, baka nasa proseso ka pa rin ng pagmu-move on.”
Iyon ang paalala kay Hannah ng kapatid niyang si Reden kaya kahit gusto niyang layuan si Dranreb ay hindi niya ginawa. Ito ang tanging lalaking minahal niya pero siya ring nang-iwan sa kanya.
Sa pagkikita uli nila ay ipinagtabuyan siya nito pero lalo siyang nagpursiging makipaglapit dito. Ginawa niya ang lahat maging ang pagsuko ng “Bataan,” pero sinaktan lang uli siya nito. Pinanghinaan na siya ng loob. Gusto na niyang isuko nang tuluyan ang pag-ibig niya rito at kalimutan na lang ang happy ending na pinapangarap niya para sa kanilang dalawa nang saka ito lumapit at nagpaliwanag sa kanya…