“Kapit ka, ha, at baka mahulog ka… sa puso ko.”
Hindi avid fan ng love story si Zharm kahit isa siyang romance writer. She hated mushy gestures—until her best friend, Jared, surprised her. Si Jared ang tanging lalaking nakagaanan niya ng loob at hinahayaang makalapit sa kanya. May mantra siya na “bawal umibig, sagabal sa buhay” pero wala siyang panlaban sa karisma ng binata. Kaya buong akala ni Zharm, sa tulong ni Jared, ay magbabago ang pananaw niya sa pag-ibig. Pero si Jared pa yata ang magpapatunay na walang forever, lalo na’t niloko at pinaasa rin siya nito—kagaya ng ginawa ng tatay niya sa nanay niya. Dahil doon ay minarkahan niya si Jared na hanggang friendzone lamang sila. Pero hindi tumigil si Jared sa panunuyo. At hindi makapaniwala si Zharm sa dahilan ng lalaki kung bakit hindi raw siya titigilan nito—umasa pala ito sa isang pangakong binitiwan niya dati, isang pangakong hindi niya inakalang seseryosohin nito.