“Nang pinarusahan kita ng halik, ako ang na-torture dahil hindi ka na mawala sa isip ko magmula nang halikan kita.”
Kilala si Michelle sa St. Patrick University bilang bubbly—a girl who spoke her heart out. She was a campus figure in her own right being bright, smart and pretty. Ang problema ay hindi siya pinapansin ng ultimate crush niyang si Migo Delmar dahil in love ito sa kanyang best friend at hindi nito type ang gaya niyang outspoken at galawgaw.
But Michelle was not the type who would easily give up on challenges kaya naman pinagbuti niya ang pagpapa-cute kay Migo kahit naiinis na ito sa kanya. Hindi naman type ng best friend niya si Migo kaya wala siyang problema maliban sa mga babaeng pila-balde na humahanga rito. Kahit pa sinabi ni Migo na hindi katulad niya ang type nito at harap-harapan kung dead-mahin siya ay sige pa rin siya nang sige dahil alam niyang babagsak din sa kanyang mga kamay ang mailap na lalaki.
Michelle dared herself. She would get Migo at all cost. Subalit kakayanin pa ba niya ang pagpapahiya nito nang minsan siyang pinarusahan sa pamamagitan ng halik sa presensiya ng karamihan?
Was Migo worth the effort and time? O kailangan na niyang magising sa katotohanang hindi lahat ng lalaking kanyang pinagpapa-cute-an ay makukuha niya?