“Ikaw ang nagpapabaliw sa puso at isip ko. Lalo akong mababaliw kapag nawala ka.”
Alam ni Franz, maraming babae ang handang makipagpalit sa kanya ng lugar. “To die for” ang posisyon niya bilang personal assistant ng pinakasikat na bokalista sa bansa, si Yohan Ynares. Pero siya, handang makipagpalit—anytime. Being with Yohan all the time would not be good for her. Binubuhay kasi nito ang damdaming inakala niyang matagal nang namatay.
Kailangan niyang guwardiyahan ang damdamin niya rito. She couldn’t fall in love with Yohan. Again.