“Alam kong sanay ka na sarili mo lang ang iniintindi mo pero heto ako ngayon, nagpapaintindi sa `yo.”
Allergic si Louisse sa mayayamang lalaki, para sa kanya ay pare-parehong manloloko ang mga ito. Iyon kasi ang iniwang impresyon sa kanya ng kanyang ama. Her father was a super rich businessman at bunga siya ng pagtataksil nito sa totoong asawa nito. Kahit kailan ay hindi niya naramdaman ang pagmamahal nito.
Ang problema, ganoon mismo ang mga tipo ng lalaki na pumoporma sa kanya. Mas gugustuhin pa niyang magpaka-NBSB kaysa makisama sa mayayaman. Hanggang sa makilala niya si Xenon, ang bagong cashier-cum-receptionist sa spa parlor na pinagtatrabahuhan niya. Ayaw man niya noong una ay naging kaibigan niya ito. Pulos kabutihan ang ipinakita nito sa kanya. The next thing she knew they were falling in love with each other. Sa unang pagkakataon ay nagmahal siya at nagtiwala nang lubos. Pero may nalaman siya tungkol sa pagkatao nito na dumurog sa puso niya…