Kung may taong labis na kinaaasaran ni Szen, iyon ay walang iba kundi si Tero Hino, ang consultant at senior investigator ng detective agency na pinaglilingkuran niya. Kung bakit ito pa ang pinili ng boss nila na maging partner niya sa isang assignment na kailangan nilang magpanggap bilang mag-asawa.
She couldn’t stand Tero.
Pero sandali pa lamang silang magkasama nito sa undercover operation na iyon ay nahulog na agad siya sa bitag ng legendary charm nito. Kung kailan naman nangyari iyon ay saka niya nalaman ang tungkol sa involvement nito kay Donna, ang girlfriend ng jewel thief na minamanmanan nila…