Clodette had loved Jack Montello since the very first time she laid eyes on him. Itinalaga na niya ang sarili na magiging asawa ng binata at makakasama nito habang-buhay. Siya ang one great love ni Jack—in denial lang ito para aminin iyon. Dahil kung gaano siya kadesidido na makuha ang pansin ng binata, ganoon naman ito kadesperado na isnabin ang beauty niya. But she was a fighter. Wala sa lahi nila ang sumusuko, lalo na sa ngalan ng pag-ibig! Kaya nang magkaroon si Clodette ng pagkakataon para makasama si Jack ay hindi na siya nagpatumpik-tumpik at kaagad itong niligawan.
Ngunit dumating ang araw na nagdesisyon si Clodette na tumigil na nang makitang wala talagang patutunguhan ang lahat ng ginagawa niya para kay Jack. Natutunan niyang hindi ipinipilit ang pagmamahal at kusa iyong nararamdaman. She accepted her loss and stayed away from him just as he wanted her to do. Baka nga siya ang in denial at hindi talaga sila meant to be ni Jack.
Just when she decided to stop the chase, Jack made the move. Kahit nagulat si Clodette sa biglaang change of heart" ni Jack