“Paulit-ulit kong itinatanong sa sarili ko kung ano ba ang nagawa kong mabuti para ibigay ka sa akin ng Diyos. It was humbling. Dahil wala talaga akong maisip.”
“Bingi ka ba o ngayon ka lang nakakita ng guwapo kaya ka natulala nang ganyan?” Iyon ang bungad kay Millie ng lalaking nakasalubong niya sa ospital. Paano naman, natulala siya nang mapagmasdan ito—mula sa cute na buhok hanggang sa makintab na sapatos—kaya hindi niya narinig na nakikiraan ito.
In fairness, cute naman talaga ito. Pero hindi lang iyon ang dahilan kaya siya natulala. Bukas kasi ang zipper ng pantalon nito.
Umandar ang pagkataklesa niya at ipinamukha niya iyon dito kasama pa ng isang nang-aasar na ngisi.
Kaya lang, binalikan siya ng kanyang pilyang kapalaran. Magkikita pa pala sila ng supladong lalaki. Titira pa siya sa bahay nito at santambak na asaran pa ang ibabato nila sa isa’t isa.
But in the middle of their crazy encounters, her heart, no matter how hard she fought, was quickly drawn to him.