Shopping Cart

You save ₱0.00 on this order.
Total

₱0.00

Checkout
Category
Minsan Pa Kitang Iibigin
E-book

Minsan Pa Kitang Iibigin

by: Kayla Kaliente

₱45.00
Category: Precious Hearts Romances
Weight: grams
Texture:
Quantity:
Size:
Weight: grams
Texture:

“Nakakaulol naman kasi talaga ang magmahal. Lalo pa kung isang katulad mo ang mamahalin. You can make even the sanest person do crazy things just so she won’t lose you…”

Napilitang magmagandang-loob si Arianne. Sa kabila ng matinding pag-aatubili ay nagpresinta siyang sasamahan sa pagbabakasyon si Gail, pamangkin ng kaibigan niyang si Tata. Sumasailalim sa matinding depresyon si Gail at umaasa si Tata na makakatulong siya sa dalagita.
Kaso, nagbait-baitan na nga si Arianne, pineste pa siya ng tadhana. Mantakin ba naman na makakasama pa pala niya sa iisang bubong ang lalaking itinuturing niyang mortal enemy number one. Si Terrence, ex-boyfriend niya at dumurog ng kanyang puso. Lalayas na lang sana siya, tatalikdan ang paghahandog ng kabutihang-loob. Pero nakonsiyensiya siya at napilitang manatili para kay Gail.
Hindi lang sa bagets nakabuti ang pagbabakasyon kundi pati na rin kay Arianne. Natulungan siya niyon na mawari na hindi nagtatapos ang ikot ng mundo dahil lang sa naagaw na pangarap. Iyon nga lang, mukhang puso naman niya ang nanganganib na maagaw ni Terrence. Mabuti sana kung iingatan iyon ng lalaki.
Hindi! Ibabalibag lang pala uli iyon sa isang tabi.

    There are no ratings for this product yet.

Related Products

Download our new eBooklat App

Experience our new app and subscribe.

ImageImageImage
Image
Image