“Movie passion. Movie lust. It’s when you don’t care where you are and what the consequences might be because you want to be with this person so much it’s impossible to think of anything else. And I’ve never felt it before. Sa `yo lang.”
Ipinagkasundong ipakasal si Ava ng kanyang ama kay Archie, anak ng best friend nito. Ava knew she had to marry Archie. But before settling down to a loveless marriage, she wanted to take a vacation. Sa bakasyon niya nakilala ang isang guwapo at machong welder—si Miguel.
How she hated him. Tuwing magkikita sila ay hinahagkan siya ni Miguel na para bang may karapatan itong gawin iyon at siya naman ay parating bumibigay. Kalaunan, sumuko rin siya sa init ng damdamin at nagpasyang magpakasaya sa piling ni Miguel hanggang sa araw na kailangan na niyang tuparin ang obligasyong pakasalan si Archie…