I don’t want something better. I just want you.
Dear Diary,
Bata pa lang ako ay mahilig na akong humiling. Sa buwan at mga bituin, sa balon, sa rainbow at kahit sa isang pilikmata. Ang sabi sa `kin ng nanay ko, makapangyarihan daw ang isang hiling dahil ang bawat hiling ay nagdudulot ng pag-asa sa puso ng isang taong gumagawa niyon.
So, once upon a time, I wished upon a star… na sana ay makilala ko na ang lalaking mamahalin ko at makakasama habang-buhay. Hindi nagtagal—as in, hindi talaga nagtagal— ay may nakilala nga akong isang lalaki, si Knight. At katulad ng bituing pinaghilingan ko ay nahulog din ako sa kanya. Fast and hard.
Little did I know that the man fate chose for me was the very same man I shouldn’t love.
Yours,
Leighton